98
O, umawit kay Yahweh ng bagong awitin, dahil gumawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay; ang kanyang kanang kamay at ang kanyang banal na bisig, ay nagbibigay sa atin ng tagumpay. Inihayag ni Yahweh ang kanyang kaligtasan; hayagan niyang ipinakita ang kanyang katarungan sa lahat ng mga bansa. Inaalala niya ang kaniyang tipan ng kagandahang loob at katapatan para sa sambahayan ng Israel; lahat ng mga hangganan ng daigdig ay makikita ang katagumpayan ng ating Diyos. Sumigaw kay Yahweh ng may kagalakan, buong daigdig; isambulat sa awit at umawit ng may kagalakan, umawit ng mga papuri. Umawit kay Yahweh ng mga papuri sa pamamagitan ng alpa, sa pamamagitan ng alpa at malambing na awit. Sa pamamagitan ng mga trumpeta at mga tunog ng tambuli, mag-ingay kayo na may kagalakan sa harapan ng Hari, si Yahweh. Hayaang sumigaw ang dagat at ang lahat ng bagay sa loob nito, ang buong mundo at ang mga naninirahan dito. Hayaan ang mga ilog na ipalakpak ang kanilang mga kamay at hayaan ang mga bundok na sumigaw sa kagalakan. Darating si Yahweh para hatulan ang daigdig. Hahatulan niya ang mundo nang may katuwiran at ang mga bansa nang patas.