5
1 Manawagan ka na ngayon, mayroon bang makikinig sa iyo? Sino sa mga banal ang malalapitan mo?
2 Dahil papatayin ng galit ang isang hangal, papatayin ng selos ang walang isip.
3 Nakakita na ako ng isang hangal na lumalalim na ang ugat, pero bigla kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
4 Ang kaniyang mga anak ay malayo sa kaligtasan; naipit sila sa mga tarangkahan ng lungsod. Wala kahit isa ang magliligtas sa kanila —
5 ang ani nila ay kinain ng mga nagugutom, ng mga taong kumukuha nito mula sa mga matinik na lugar; ang mga kayamanan nila ay sinimot ng mga taong nauuhaw dito.
6 Sapagkat ang mga paghihirap ay hindi tumutubo mula sa lupa; kahit ang kaguluhan ay hindi umuusbong mula sa lupa;
7 Pero gumagawa ang sangkatuhan ng sarili niyang kaguluhan, gaya ng mga apoy na lumilipad paitaas.
8 Pero ako, sa Diyos ako lalapit, ipagkakatiwala ko sa Diyos ang aking kalagayan —
9 siya na gumagawa ng mga dakila at makabuluhang mga bagay, mga kamangha-manghang bagay na hindi na mabilang.
10 Nagbibigay siya ng ulan sa lupa, at nagpapadala ng tubig sa mga taniman.
11 Ginawa niya ito para itaas ang mga mabababa; para ilikas ang mga taong nagdadalamhati sa mga abo.
12 Binibigo niya ang mga balak ng mga tuso, para hindi makamit ang mga binalak nila.
13 Binibitag niya ang mga matatalino sa kanilang katusuhan; ang mga plano ng matatalino ay matatapos din.
14 Nagpupulong sila sa dilim tuwing umaga, at nangangapa sa tanghali na tulad nang sa gabi.
15 Pero inililigtas niya ang mga mahihirap mula sa mga espada na nasa kanilang mga bibig, at ang mga nangangailangan mula sa mga mayayaman.
16 Kaya may pag-asa ang mahihirap, at ang kawalan ng katarungan ay itinitikom ang kaniyang sariling bibig.
17 Tingnan mo, masaya ang taong tinutuwid ng Diyos; kaya huwag mong kamuhian ang pagtutuwid ng Makapangyarihan.
18 Dahil siya ay sumusugat at tumatapal, sumusugat siya at siya rin ang gumagamot.
19 Ililigtas ka niya sa anim na kaguluhan; lalo na, sa pitong kaguluhan, walang anumang masama ang makagagalaw sa iyo.
20 Sa tag-gutom ikaw ay kaniyang ililigtas mula sa kamatayan; sa digmaan mula sa kapangyarihan ng espada.
21 Ikukublli ka mula sa latay ng mga dila; at hindi ka matatakot kapag ang pagkawasak ay dumating.
22 Tatawanan mo ang pagkawasak at tag-gutom, at hindi ka matatakot sa mga mababangis na hayop.
23 Sapagkat may kasunduan ka sa mga bato sa iyong taniman; magiging mapayapa ka sa mga mababangis na hayop.
24 Matitiyak mo na ang iyong tolda ay ligtas; dadalawin mo ang iyong kawan at makikitang hindi ito nabawasan.
25 Matitiyak mo na dadami ang iyong lahi, na ang iyong mga anak ay matutulad sa mga damo sa lupa.
26 Uuwi ka sa iyong puntod sa iyong katandaan, tulad ng mga naipong mga tangkay ng palay na dinadala sa giikan.
27 Tingnan mo, siniyasat namin ang bagay na ito; ganito talaga ito; pakinggan mo ito at patunayan sa iyong sarili.”