9
1 Pagkatapos hinipan ng ikalimang anghel ang kaniyang trumpeta. Nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. Ibinigay sa bituin ang susi ng lagusan patungo sa napakalalim na hukay.
2 Binuksan niya ang lagusan ng napakalalim na hukay at lumabas ang isang haligi ng usok sa lagusan tulad ng usok mula sa malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang hangin dahil sa usok na lumalabas mula sa lagusan.
3 Lumabas sa lupa ang mga balang mula sa usok, at binigyan sila ng kapangyarihan katulad ng mga alakdan sa lupa.
4 Sinabihan sila na huwag pinsalain ang damo sa lupa o anumang berdeng halaman o puno, pero mga tao lamang na walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo.
5 Sila ay hindi nagbigay ng pahintulot na patayin ang mga taong iyon, pero pahirapan lamang sila sa loob ng limang buwan. Kanilang matinding paghihirap ay naging tulad ng kagat ng isang alakdan kapag hinampas ng isang tao.
6 Sa mga araw na iyon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, pero di nila ito mahahanap. Sila ay matagal mamamatay, pero lalayo sa kanila ang kamatayan.
7 Ang mga balang ay katulad ng mga kabayong nakahanda sa digmaan. Sa kanilang mga ulo ay may tulad ng mga gintong korona at ang kanilang mga mukha ay tulad ng mga mukha ng tao.
8 May buhok silang gaya ng buhok ng mga babae at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng ngipin ng mga leon.
9 Mayroon silang mga baluting tulad ng baluting bakal, at ang tunog ng kanilang mga pakpak ay parang tunog na gawa sa mga karwahe at mga kabayong tumatakbo sa loob ng digmaan.
10 Mayroon silang mga buntot na may tulis tulad ng mga alakdan; sa kanilang mga buntot ay may kapangyarihan silang makasakit sa mga tao nang limang buwan.
11 Mayroon silang hari na nangunguna sa kanila ang anghel sa pinakailalim ng hukay. Ang kaniyang pangalan sa Hebreo ay Abadon at sa Griego ang kaniyang pangalan ay Apolion.
12 Ang unang kaawa-awa ay nakaraan. Masdan mo! Matapos ito may dalawang pang kapahamakan ang darating.
13 Hinipan ng ika-anim na angel ang kaniyang trumpeta, at narinig ko ang tinig na nagmumula sa mga sungay ng gintong altar na naroon sa harapan ng Diyos.
14 Sinabi ng tinig sa ika-anim na anghel na may trumpet, “Pakawalan ang apat ng anghel na nakagapos sa dakilang ilog Eufrates”.
15 Ang apat na anghel na siyang naihanda para sa sobrang oras na iyon, nang araw na iypn, nang buwan na iyon, at nang taon na iyon ay pinalaya par patayin ang ikatlong bahagi ng sang katauhan.
16 Ang bilang ng mga kawal na nasakay sa kabayo ay 200, 000, 000. Narinig ko ang kanilang bilang.
17 Ganito ko nakita ang mga kabayo sa aking pangitain, at ang mga nakasakay sa kanila. Ang kanilang mga baluti ay maningas na pula, matingkad na asul at asupreng dilaw. Ang ulo ng mga kabayo ay kahawig ng mga ulo ng mga lion at lumalabas sa kanilang mga bibig ang apoy, usok at asupre.
18 Ang ikatlong bahagi ng bayan ay pinatay sa pamamagitan ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok, at asupre na lumabas sa kanilang mga bibig.
19 Dahil ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at sa kanilang mga buntot—dahil ang kanilang mga buntot ay tulad ng mga ahas, at mayroon silang mga ulo na nagsanhi ng mga sugat sa tao.
20 Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy—mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad.
21 Ni hindi nila ginawang magsisi sa kanilang mga pagpatay, kanilang pangugulam, kanilang sekswal na imoralidad o ang kanilang gawaing pagnanakaw.