92
Ito ay isang mabuting bagay para magbigay ng pasasalamat kay Yahweh at para umawit ng papuri sa iyong ngalan, Kataas-taasan, para ipahayag ang iyong katapatan sa tipan sa umaga at ang iyong katotohanan tuwing gabi, na may alpa na may sampung kuwerdas at may himig ng lira. Dahil ikaw, Yahweh, ay pinasaya mo ako sa pamamagitan ng iyong mga gawa. Aawit ako sa tuwa dahil sa gawa ng iyong mga kamay. Napakadakila ng iyong mga gawa, Yahweh! Ang iyong kaisipan ay napakalalim. Hindi alam ng malupit na tao, ni maiintindihan ng hangal: Kapag sumisibol ang masasama katulad ng damo, at kahit ang lahat ng gumagawa ng masama ay magtagumpay, mananatili silang nasa tiyak na kapahamakan magpakailanman. Pero ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanman. Sa katunayan, tingnan mo ang iyong mga kaaway, Yahweh; lahat ng gumagawa ng masama ay nakakalat. 10 Itinaas mo ang aking sungay katulad ng sungay ng mabangis na toro; pinahiran mo ako ng sariwang langis. 11 Nakita ng aking mga mata ang pagkabagsak ng aking mga kaaway; ang aking mga tainga ay narinig ang katapusan ng aking mga masasamang kaaway. 12 Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon. 13 Sila ay nakatanim sa tahanan ni Yahweh; sila ay yayabong sa patyo ng ating Diyos. 14 Namumunga sila kahit sila ay matanda na; nanatili silang sariwa at luntian, 15 para ihayag na si Yahweh ay makatuwiran. Siya ang aking bato, at walang hindi matuwid sa kaniya.