52
Bakit mo ipinagyayabang ang iyong panggugulo, ikaw malakas na lalaki? Ang katapatan ng Diyos sa tipan ay dumarating araw-araw. Nagbabalak ang iyong dila tulad ng matalim na labaha na mapandayang gumagawa. Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan at kasinungalingan kaysa sa pagsasabi ng katuwiran. Selah Mahal mo ang lahat ng mga salitang sumisira sa iba, ikaw na mandarayang dila. Kaya wawasakin ka rin ng Diyos magpakailanman; siya ang mag-aalis sa iyo at hahatakin kang palabas sa iyong tolda at bubunutin ka mula sa lupain ng mga nabubuhay. Selah Ang matuwid ay makikita rin ito at matatakot; tatawanan siya nila at sasabihing, “Tingnan mo, ito ang taong hindi ang Diyos ang ginawang kalakasan pero nagtiwala sa kasaganahan ng kaniyang kayamanan at pinatunayan ang kaniyang sarili sa kasamaang kaniyang ginagawa.” Pero para sa akin, katulad ko ang isang berdeng punong olibo sa tahanan ng Diyos; ako ay magtitiwala sa katapatan ng Diyos sa tipan magpakailanpaman. Ako ay magbibigay pasasalamat, O Diyos, magpakailanman dahil sa mga bagay na iyong ginawa. Umaasa ako sa iyong pangalan, dahil ito ay mabuti sa harapan ng mga matatapat.