46
Ang Diyos ang ating kublihan at kalakasan, ang handang tumulong kapag may kaguluhan. Kaya nga, hindi kami matatakot, kahit na ang lupa ay mabago, kahit na ang mga kabundukan ay mayanig papunta sa puso ng karagatan, kahit na ang mga tubig nito ay umugong at mangalit, at kahit ang mga kabundukan ay mayanig sa pagragasa ng tubig. Selah Doon ay may isang ilog, na ang agos ay pinasasaya ang lungsod ng Diyos, ang banal na lugar ng mga tabernakulo ng Kataas-taasan. Ang Diyos ay nasa gitna niya; siya ay hindi matitinag; tutulungan siya ng Diyos, at gagawin niya ito sa pagbubukang-liwayway. Ang mga bansa ay napoot at ang mga kaharian ay nayanig; ang tinig niya ay kaniyang itinaas, at ang lupa ay naagnas. Si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo ay kasama natin; ang Diyos ni Jacob na kublihan natin. Selah Lumapit kayo, masdan ang mga ginawa ni Yahweh, ang pagkawasak na kaniyang idinulot sa mundo. Pinahihinto niya ang mga digmaan sa dulo ng mundo; binali niya ang mga pana at ang mga sibat ay pinagpira-piraso; ang mga panangga ay kaniyang sinunog. 10 Tumahimik kayo at kilalanin ninyo na ako ay Diyos; itatanghal ako sa ginta ng mga bansa; itatanghal ako sa mundo. 11 Si Yahweh ng mga hukbo ay sasaatin; ang Diyos ni Jacob ang kublihan natin. Selah