148
Purihin si Yahweh. Purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kalangitan; purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kaitaas-taasan. Purihin niyo siya, lahat kayong mga anghel; purihin niyo siya, lahat kayong mga hukbo ng anghel. Purihin niyo siya, araw at buwan; purihin niyo siya, kayong mga nagniningning na bituin. Purihin niyo siya, kayong pinakamataas na kalangitan at kayong mga katubigan sa kaulapan. Hayaan silang purihin ang pangalan ni Yahweh, dahil binigay niya ang utos at sila ay nalikha. Itinatag niya rin sila magpakailanman; nagbigay siya ng utos na hindi magbabago. Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan, apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita, mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar, 10 mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at mga ibon, 11 mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa, 12 mga binata at dalaga, mga nakatatanda at mga bata. 13 Hayaang silang purihin ang pangalan ni Yahweh dahil ang pangalan niya lamang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at kalangitan. 14 Itinaas niya ang tambuli ng kaniyang bayan para sa pagpupuri mula sa kaniyang mga tapat na lingkod, mga Israelita, mga taong malapit sa kaniya. Purihin si Yahweh.