141
Yahweh, ako ay tumatawag sa iyo; lumapit ka agad sa akin. Makinig ka sa akin kapag tumawag ako sa iyo. Nawa ang aking panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan mo; nawa ang nakataas kong mga kamay ay maging katulad ng alay sa gabi. Yahweh, maglagay ka ng isang bantay sa aking bibig; bantayan mo ang pintuan ng aking mga labi. Huwag mong hayaan ang aking puso na magnais ng kahit anong masamang bagay o sumama sa makasalanang mga gawain kasama ang mga taong kumikilos ng masama. Nawa ang kanilang masarap na pagkain ay hindi ko kainin. Hayaan mong saktan ako ng taong matuwid; ito ay isang kabutihan sa akin. Hayaan mo siyang itama ako; ito ay magiging gaya ng langis sa aking ulo; nawa hindi ito tanggihan ng aking ulo. Pero ang aking panalangin ay palaging laban sa mga gawa ng masasama. Ang kanilang mga pinuno ay ihuhulog mula sa itaas ng bangin; maririnig nila na aking sariling mga salita ay kaaya-aya. Kanilang sasabihin, “Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa, gayundin ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol.” Tiyak na ang aking mga mata ay nasa iyo, Yahweh, Panginoon; sa iyo ako nagkukubli; huwag mong iwanan ang aking kaluluwa ng walang pagtatanggol. Pangalagaan mo ako mula sa mga bitag na kanilang inilatag para sa akin, mula sa mga patibong ng mga gumagawa ng masama. 10 Hayaan mong mahulog ang masasama sa kanilang sariling lambat habang ako ay tumatakas.