129
“Mula pa ng aking kabataan madalas akong lusubin nila,” hayaang sabihin ng Israel. “Mula pa ng aking kabataan, nilusob nila ako, pero hindi nila ako natalo. Inararo ng mga mang-aararo ang aking likuran; gumawa sila ng mahabang ukit na daan. Si Yahweh ay matuwid, pinutol niya ang mga lubid ng masama.” Nawa malagay silang lahat sa kahihiyan at tumalikod silang mga napopoot sa Sion. Nawa maging tulad sila ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago, na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos. Nawa huwag sabihin ng mga dumadaan, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh.”