113
Purihin si Yahweh. Purihin siya, kayong mga lingkod ni Yahweh; purihin ang pangalan ni Yahweh. Pagpalain ang pangalan ni Yahweh, ngayon at magpakailanman. Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, ang pangalan ni Yahweh ay dapat papurihan. Itataas sa lahat ng mga bansa si Yahweh, at umaabot hanggang kalangitan ang kaniyang kaluwalhatian. Sino ang katulad ni Yahweh ang ating Diyos, na nakaupo sa kataas-taasan, na nakatingin sa langit at sa lupa? Ibinabangon niya ang mahihirap mula sa alabok at itinataas ang nangangailangan mula sa bunton ng abo, para siya ay makaupo kasama ng mga prinsipe, mga prinsepe ng kaniyang bayan. Binibigyan niya ng upuan ang babaeng baog na nasa bahay tulad ng isang masayahing ina ng mga anak. Purihin si Yahweh.