11
Kumukubli ako kay Yahweh; paano mo sasabihin sa aking, “Tumakas ka katulad ng isang ibon sa bundok”? Tingnan mo! Inihahanda ng mga masasama ang kanilang mga pana. Inihahanda nila ang kanilang mga palaso sa tali para panain sa dilim ang pusong matuwid. Dahil kung ang mga pundasyon ay nasira, ano ang kayang gawin ng matuwid? Si Yahweh ay nasa kaniyang banal na templo; ang kaniyang mga mata ay nagmamasid, sinusuri ng kaniyang mga mata ang mga anak ng mga tao. Parehong sinusuri ni Yahweh ang matuwid at masama, pero kinapopootan niya ang mga gumagawa ng karahasan. Nagpapaulan siya ng mga nagbabagang uling at asupre sa mga masasama; nakakapasong hangin ang kanilang magiging bahagi sa kaniyang kopa! Dahil si Yahweh ay matuwid, at mahal niya ang katuwiran; makikita ng matuwid ang kaniyang mukha.