13
1 Ngayon matanda na si Josue at nasa ganap ng mga taon nang sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Matanda ka na at marami ng taon ang iyong dinaanan, pero napakarami pa ring lupain ang bibihagin.
2 Ito pa rin ang lupaing natitira: lahat ng mga rehiyon ng mga Palestina, at lahat ng mga Gessureo,
3 (mula sa Sihor, na nasa silangan ng Ehipto, at pahilaga sa hangganan ng Ekron, na itinuring na ari-arian ng mga Cananaeo; ang limang namumuno ng Palestina, ng mga Gazeo, Asdodeo, Ashkelon, Gath, at Ekron—ang nasasakupan ng mga Awites).
4 Doon sa timog, mayroon pa rin lahat ng mga lupain ng mga Cananaeo, at Meara na pag-aari ng mga taga-Sidon, sa Apek, sa hangganan ng mga Amoreo;
5 ang lupain ng mga Gebalita, ang buong Lebanon patungo sa sikat ng araw, mula sa Baal Gad sa ibaba ng Bundok Hermon hanggang Lebo Hamat.
6 Gayon din, lahat ng mga naninirahan sa maburol na lupain mula sa Lebanon hanggang sa Misrepot Maim, kabilang ang buong bayan ng Sidon. Itataboy ko sila sa harapan ng mga hukbo ng Israel. Tiyaking italaga ang lupain sa Israel bilang isang pamana, ayon sa inutos ko sa iyo.
7 Hatiin ang lupaing ito bilang isang pamana para sa siyam na lipi at para sa kalahating lipi ni Manases.”
8 Kasama ang ibang kalahating lipi ni Manases, ang mga Rubenita at ang mga Gadita ay nakatanggap ng kanilang mga mana na ibinigay ni Moises sa kanila sa bandang silangan ng Jordan,
9 mula sa Aroer, na nasa gilid ng bangin sa ilog Arnon (kabilang ang lungsod na nasa gitna ng bangin), sa lahat ng kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon;
10 lahat ng mga lungsod ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon, sa hangganan ng mga Ammonita;
11 Galaad, at ang rehiyon ng mga Gesurita at mga Maacateo, buong Bundok Hermon, buong Basan hanggang Saleca;
12 ang buong kaharian ng Og sa Basan, na naghari sa Astarot at Edrei—ito ang mga naiwan sa labi ng Rephaim—sinalakay sila ni Moises gamit ang espada at itinaboy sila.
13 Pero hindi pinalayas ng bayan ng Israel ang mga Gesurita o ang mga Maacateo. Sa halip, nanirahan ang Gesur at Maacat sa Israel hanggang sa araw na ito.
14 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. “Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy,” ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises.
15 Binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Ruben, angkan sa angkan.
16 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba.
17 Tinanggap din ni Ruben ang Hesbon, at ang lahat ng mga lungsod nito na nasa kapatagan, Dibon, at Bamoth Baal, at Beth Baalmeon,
18 at Jahaz, at Kademot, at Mepaat,
19 at Kiriataim, at Sibma, at Zeretsahar sa burol ng lambak.
20 Tinanggap din ni Ruben ang Beth Peor, ang mga libis ng Pisga, Beth Jeshimot,
21 lahat ng mga lungsod ng kapatagan, at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon, na magkasamang tinalo ni Moises kasama ang mga pinuno ng Midian, Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba, ang mga prinsipe ni Sihon, na nanirahan sa lupain.
22 Pinatay din ng bayan ng Israel si Balaam na anak na lalaki ni Beor gamit ang espada, na nagsanay sa paghula, kasama ang ibang pinatay nila.
23 Ang hangganan ng lipi ni Ruben ay ang Ilog Jordan; ito ang kanilang hangganan. Ito ang pamana ng lipi ni Ruben, ibinigay sa bawat mga angkan nila, kasama ng kanilang mga lungsod at mga nayon.
24 Ito ang ibinigay ni Moises sa lipi ni Gad, angkan sa angkan:
25 Ang kanilang nasasakupan ay Jacer, lahat ng mga lungsod ng Galaad at kalahati ng lupa ng mga Ammonita, hanggang Aroer, na nasa silangan ng Rabba,
26 mula sa Hesbon hanggang sa Ramath Mizpeh at Betonim, mula sa Mahanaim hanggang sa nasasakupan ng Debir.
27 Doon sa lambak, binigay sa kanila ni Moises ang Beth Haram, Beth Nimra, Sucot, at Zapon, ang natitirang kaharian ni Sihon na hari ng Hesbon, kasama ang Jordan bilang isang hangganan, hanggang sa ibabang dulo ng dagat ng Cinneret, pasilangan sa ibayo ng Jordan.
28 Ito ang pamana ng lipi ni Gad, angkan sa angkan, kasama ang kanilang mga lungsod at mga nayon.
29 Nagbigay ng pamana si Moises sa kalahating lipi ni Manases. Itinalaga ito sa kalahating lipi ng bayan ni Manases, ibinigay sa bawat mga lipi nila.
30 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mahanaim, buong Basan, buong kaharian ni Og hari ng Basan, at sa buong bayan ng Jair, na nasa Basan, animnapung lungsod;
31 kalahati ng Galaad, at Astarot at Edrei (ang mga maharlikang lungsod ng Og sa Basan). Ito ang mga itinalaga sa angkan ni Machir na anak na lalaki ni Manases—kalahati ng bayan ni Machir, na ibinigay sa bawat mga pamilya nila.
32 Ito ang pamana na itinalaga ni Moises sa kanila sa mga kapatagan ng Moab, sa ibayo ng Jordan silangan ng Jerico.
33 Hindi binigyan ni Moises ng pamana ang lipi ng Levi. Yahweh, ang Diyos ng Israel ang kanilang pamana, tulad ng sinabi niya sa kanila.