25
Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi, “Nasa kaniya ang kapangyarihan at takot; nagtatakda siya ng kaayusan sa kaniyang mga matataas na lugar sa langit. May katapusan ba sa bilang ng kaniyang mga hukbo? Kanino ba hindi sumisikat ang kaniyang liwanag? Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae? Masdan mo, kahit na ang buwan ay walang liwanag sa kaniya; sa kaniyang paningin, ang mga bituin ay hindi dalisay. Gaano pa kaya ang tao, na isa lamang uod — isang anak ng tao, na isang uod!”