54
Panalangin Upang Saklolohan
Isang Maskil* + ni David, upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.
Makapangyarihang Diyos, ako'y iligtas,
ipagsanggalang mo ng iyong lakas.
Dinggin mo, O Diyos, aking panalangin,
iyo ngang pakinggan, aking mga daing.
Ang nagmamataas ay laban sa akin,
hangad ng malupit ang ako'y patayin,
kanilang nilimot na ang Diyos ay sundin. (Selah)
 
Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong,
tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.
Ang hinahangad ko ay maparusahan sa gawang masama ang mga kaaway;
ang Diyos na matapat, sila'y wawakasan.
 
Buong galak naman akong maghahandog
ng pasasalamat kay Yahweh,
dahilan sa kanyang kagandahang-loob.
Iniligtas ako sa kabagabagan, iniligtas niya sa mga kaaway,
at aking nakitang sila ay talunan!
* 54: MASKIL: Tingnan ang Awit 32. + 54: 1 Sam. 23:19; 26:1. 54:3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.